Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na isang magandang pagkakataon ang nakuhang Temporary Restraining Order o TRO ng apat na Commissioner ng ERC o Energy Regulatory Commission.
Ito’y makaraang harangin ng C.A. o Court of Appeals ang 90 araw na suspensyong ipinataw ng Ombudsman laban sa mga nasabing opisyal bunsod ng mga maanomalyang kontratang pinasok ng mga ito.
Ayon kay Gatchalian, tiyak na maiiwasan na aniya ang pinangangambahang kakapusan sa suplay ng kuryente sa bansa lalo na sa darating na summer o tag-init dahil maaaksyunan na ng ERC ang lahat ng mga nakabinbing aplikasyon para sa power supply gayundin ang renewal nito.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio