Iginiit ng Dumper Philippines Taxi Drivers Association na panahon na para ibalik sa kwarenta pesos (P40) ang flag down rate sa mga taxi.
Ayon kay Fermin Oktubre, National President ng grupo, 36 pesos lamang ang kada litro ng gasolina nang kaltasan ng sampung piso (P10) ang flag down rate noong nakaraang taon samantalang sa ngayon ay umaabot na ito sa 46 pesos kada litro.
Sinabi ni Oktubre na hindi masisisi ang ilang taxi drivers na hindi nagbabawas ng flag down rate dahil hirap na aniya silang abutin ang mataas na boundary at mataas na presyo ng gasolina.
Bahagi ng pahayag ni Fermin Oktubre ng Dumper Philippines Taxi Drivers Association
By Len Aguirre | Credit to: Balitang Todong Lakas (Interview)