Kumbinsido si Senador Vicente “tito” Sotto the Third na kakayanin na makapagpasa ng batas para sa pagbabalik ng death penalty sa loob ng Isang taon lalo na kung suportado ito ng Pangulo at ng mga lider ng Kongreso.
Reaksyon ito ni Sotto sa naging pahayag ni Incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na maaaring maibalik ang parusang kamatayan sa loob ng Isang taon.
Ayon kay Sotto, nahirapan siyang maipasa ang panukalang pagbabalik ng death penalty para sa mga bigtime drug lord dahil sa kontra rito ang mga lider ng kongreso.
Para naman kay Senate President Franklin Drilon, walang makapagsasabi kung gaano tatagal sa senado ang pagpapasa ng panukalang pagbabalik ng death penalty.
Paliwanag ni Drilon, hindi pa nao-organisa ang mga komite sa Senado para sa 17th Congress kaya’t hindi pa alam kung sinong mga senador ang mamumuno sa iba’t ibang komite.
By: Meann Tanbio