Binigyang diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi pwedeng madaliin ang pagbabalik sa lumang school calendar alinsunod sa rekomendasyon ng Teachers’ Dignity Coalition.
Sinabi ni Vice President Duterte sa Youthpreneur event sa Rizal High School, na hindi maaaring isakripisyo ang pahinga ng mga guro at mga mag-aaral.
Una nang naglabas ng Department Order ang DepED para sa unti-unting pagbabalik sa lumang kalendaryo kung saan magsisimula ang mga klase sa Hunyo at magtatagal hanggang sa Marso.
Matatapos ang kasalukuyang school year sa may 31 habang nakatakda naman ang break sa June 1 – July 26.
Samantala, na-adjust na rin ang mga susunod na school year para sa academic year 2026-2027, magbabalik na sa June hanggang march ang skedyul.- sa panunulat ni Raiza Dadia