Tinatalakay na ng mga alkalde sa Metro Manila ang posibilidad na ilagay ang National Capital Region sa normal na general community quarantine (GCQ) simula sa Hunyo 16.
Ito’y dahil malaking bilang na ng mga residente ang binakunahan bukod pa sa dinadagsa ngayon ang vaccination sites ng A4 category na kinabibilangan ng essential workers, mula sa pribado, gobyerno at mga manggagawa mula sa informal sector at self-employed.
Kahit ang independent OCTA Research Group ay nais na ring ibaba ang ‘quarantine restriction’ sa metro manila sa “ordinary” GCQ bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon kay Professor Guido David ng OCTA, batay sa kanilang datos ay nasa 27 percent na lamang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang nagmumula sa NCR Mula sa 97% noong kasagsagan ng surge sa pagitan ng Marso29 hanggang Abril 4.
Bumaba na rin ang ‘reproduction rate’ sa 0.72 kumpara sa 1, maging ang positivity rate sa 8% at nasa safe level na ang hospitalization rate sa 40%. —sa panulat ni Drew Nacino