Nanawagan ang mga drayber at komyuter na ibalik ang number coding scheme sa Metro Manila.
Ito’y dahil sa nararanasang malalang daloy ng trapiko sa EDSA.
Gayunman, nanindigan si Metro Manila Development Authority o MMDA Chairman Benhur Abalos na hindi muna babawiin ang suspensiyon sa ngayon.
Hindi pa kasi aniya nakakabalik sa normal ang public transportation sa National Capital Region o NCR.
Paliwanag pa ni abalos sa mga pribadong sasakyan na mas ligtas ito kung gagamiting ang personal na sasakyan at hindi makikipagsiksikan sa MRT o bus.
Isang paraan din ito upang mabawasan ang transmission ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, tiniyak ni Abalos na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon ng trapiko kung saan kaya pa aniya ito makontrol.