Pinaghahandan na ng government peace panel ang pagbabalik sa negotiating table ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines o NDFP.
Ito ang inihayag ni Government Peace Panel Chief at Labor Secretary Silvestre Bello III matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa panunumbalik ng peace talks.
Gayunman wala pang ibinigay na detalye si Bello kung kailan ang eksaktong petsa sa muling pagbubukas ng negosasyon.
Kasabay nito, binigyang diin naman ni Bello na dapat magpakita na ng sinseridad ang komunistang grupo sa pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.
“Maliwanag na ang utos ng ating Presidente, i-resume ang peace talks pero magpakita kayo ng sinseridad, magkaroon tayo ng ceasefire, wala muna ang koleksyon ng revolutionary taxes, wala na munang mga pag-atake, nang saganun ay manahimik naman ang ating bansa at baka sakaling makamit na natin ang panghabang-buhay na kapayapaan.” Pahayag ni Bello
(Ratsada Balita Interview)