Nanindigan ang Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaaring pag-usapan ang ukol sa kapayapaan hanggat may puot sa puso ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA.
Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Cagayan de Oro City kung saan nagpapagaling sundalong nasugatan sa pakikipagsagupaan sa pwersa ng NPA.
Ayon sa Pangulo, hindi niya malilimutan at labis ang kanyang galit sa sinapit ng isang sundalo na binaril ng mga rebelde ng pitumput tatlong beses sa gitna ng umiiral na tigil putukan.
Ang naturang insidente aniya ay patunay lamang na puno pa rin ng galit ng mga rebeldeng komunista kayat imposible pa sa panahong ito ang muling pagbabalik sa peacetalks.
Matatandaang tinapos na ng Pangulong Duterte ang peacetalks sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF matapos na mapatay ang isang sundalo sa harap ng ipinatupad na unilateral ceasefire ng magkabilang panig.
By Ralph Obina