Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapanumbalik sa ROTC o Reserved Officers Training Course sa Grades 11 at 12 sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa bansa.
Ito ang napagkasunduan matapos imungkahi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na amiyendahan ang Republic Act 7077 para maging mandatory ang ROTC.
Iginiit ni Lorenzana na sa pamamagitan ng ROTC, maipamumulat ang pagmamahal sa bansa, paggalang sa human rights, at pagsunod sa konstitusyon.
Sesertipikahang “urgent bill” ng Pangulo ang pagpapanumbalik sa ROTC at agad itong isusumite sa Kamara at Senado.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping