Higit na makakasira sa Philippine National Police bilang institusyon ang pagbabalik sa serbisyo kay Supt Marvin Marcos at grupo nito na akusado sa pagpaslang kay Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte.
Binigyang diin ito ni Senador Grace Poe dahil responsibilidad ng PNP na pahalagahan at itaguyod ang rule of law sa paggampan ng tungkulin subalit bakit ibabalik aniya sa serbisyo ang mga pulis na sangkot sa isang murder case.
Ang reinstatement aniya ng grupo ni Marcos ay makakahikayat sa kultura ng impunity sa hanay ng mga pulis o gumagawa ng kasalanan ng hindi napaparusahan.
Sinabi ni Poe na kaya namang gampanan ng PNP ang kanilang tungkuling protektahan ang publiko ng wala ang mga tulad nina Marcos.
Inihayag pa ni Poe na hindi maitatago na may probable cause sa krimeng kinasasangkutan nina Marcos kayat kuwestyunable aniya ang ginawang pag downgrade ng DOJ sa kasong murder ng mga ito na ibinaba sa homicide.
Ilang Senador dismaydo sa pagbabalik sa serbisyo ni Supt. Marcos
Mariing kinundena ni Senador Risa Hintiveros ang pagbabalik sa serbisyon kina Supt Marvin Carlos at mga kasama nito sa kabila nang kinakaharap na kasong pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte.
Sinabi ni Hontiveros na malinaw na isa itong tangkang pagharang sa hustisya at pag apruba sa extra judicial killings sa bansa.
Ikinadismaya ni Hontiveros ang pag suporta ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa sa pag reinstate kina Marcos at sa pagsasabing sayang naman ang pinasusuweldo kina Marcos kayat makabututing ibalik sila sa serbisyo.
Ipinaalala ni Hontiveros kay Dela Rosa na ang tunay na pagsasayang ng taxpayers money ay perang ginagastos sa mga masasamang pulis.
Ayon naman kay Senador Bam Aquino ang naturang hakbang ay malinaw na pagkanlong ng PNP ng mga kriminal na delikado sa mga Pilipino.
Malinaw rin aniyang pagbalewala ito sa mga umiiral na batas at nagpapalakas pa sa kultura ng karahasan.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Pagbabalik sa serbisyo kay Supt. Marcos makakasira umano sa PNP was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882