Hinimok ni Senador Loren Legarda ang gobyerno at ang NDFP o National Democratic Front of the Philippines na ipagpatuloy ang peace talks.
Ang pahayag ay ginawa ni Legarda makaraang magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng all-out-war laban sa mga komunistang grupo matapos ang itigil ang usapang pangkapayapaan.
Binigyang-diin ni Legarda na suportado niya ang pagbabalik ng peace talks kung saan nananatili ang aniya’y “reservoir of goodwill” sa dalawang panig upang simulan muli ang naudlot na peace talks.
By: Meann Tanbio