Balik na sa serbisyo si Superintendent Hanzel Marantan , ang police official na nanguna sa nangyari umanong rubout sa Atimonan , Quezon nuong 2013.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa matapos aniyang aprubahan ng appellate board ng NAPOLCOM o National Police Commission ang apela ni Marantan.
Nauna rito , dinismiss sa serbisyo ni dating PNP Chief Alan Purisima si Marantan kasama ang 12 pang pulis nuong 2014 matapos mapatunayang guilty sa iregularidad sa kanilang performance of duty.
Matatandaang nasa 12 katao kabilang ang environmentalist na si Jun Lontok sa mga nasawi sa nabanggit na rub out.
Sinabi naman ni Dela Rosa na hindi pa niya alam kung saang unit itatalaga si Marantan ngunit ayon kay PNP HPG Director General Arnel Escobal nakatanggap siya ng impormasyon na sa kanilang tanggapan ito ilalagay bilang office of the director.