Iimbestigahan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang reinstatement o pagbabalik sa serbisyo ni Supt Marvin Marcos.
Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na bubuksan niya kaagad ang imbestigasyon sa usapin sa unang linggo pa lamang nang pagbubukas ng second regular session ng Kongreso.
Kinundena ni Lacson ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa serbisyo si Marcos na isa sa mga akusado sa pagpaslang kay Mayor Roland Espinosa ng Albuera, Leyte.
Ayon kay Lacson hindi reinstatement kundi back to duty status ang nangyari kay Marcos matapos ang apat na buwang suspensyon nito.
Nabura na aniya ang anggulong sabwatan dahil wala nga si Marcos nang paslangin ng raiding team si Espinosa subalit nasa labas lamang at siyang kumukumpas sa naturang operasyon.
Sa kabuuan binigyang diin ni Lacson na isang kalokohan ang nangyari at napamura pa ito bilang pagsasalarawan sa pagbabalik serbisyo ni Marcos na itinalaga na bilang PNP CIDG Region 12 head.
By: Judith Larino
Pagbabalik serbisyo ni Supt. Marcos iimbestigahan ng Senado was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882