Makalipas ang dalawang taong COVID-19 pandemic, unti-unti nang bumabalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa.
Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na bunsod na rin ng umiiral na mas maluwag na restriksyon.
Paliwanag ni Lopez, naitala kasi ngayong linggo ang “pre-pandemic volume” o ang bilang ng mga Pilipinong lumabas para mamili sa mga pamilihan.
Pero posible raw manatili sa Alert Level 1 ang maraming lugar sa bansa hanggang sa katapusan ng termino ni Pangulong Rodriguez.
Samantala, nagpaalala si Lopez na kailangan pa rin ng ng vaccination card sa tuwing papasok sa mga indoor establishment.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles