Naniniwala ang isang Political Analyst na magiging positibo ang epekto sa Pilipinas ng pagbabalik White House ni US President Donald Trump.
Sa panayam ng DWIZ, binigyan diin ni Professor Ramon Casiple na wala siyang nakikitang mga polisiya ni US President Trump na posibleng maka-apekto sa malalim na ugnayan ng Pilipinas at US.
Gayunman, posible pa rin anya itong mabago dahil wala pang specific policy na inilalabas ang White House. – Sa panulat ni Kat Gonzales