Lubos na maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa sa pagbabalik-white house ni US President-elect Donald Trump.
Ito ayon kina Capital Economics Deputy Chief Emerging Markets Economist Jason Tuvey and Assistant Economist Lily Millard, kabilang ang Pilipinas sa may may matataas na cash remittances na siya namang nagpapalakas sa buying powers ng publiko at domestic economy.
Una rito, inihayag ni US President-elect Trump na handa siyang ideklara bilang national emergency ang mass deportation campaign ng kanyang administrasyon para sa mga illegal immigrant.
Bukod pa rito, bukas din si Trump na gamitan ng military assets ang nasabing in insyatiba. – Sa panulat ni Kat Gonzales