Inihayag ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) na patas sa pagbabalita ang ABS-CBN.
Ito’y kontra sa mga alegasyon laban sa network na pagiging biased umano pagdating sa paghahatid ng balita.
Ayon kay KBP President Jun Nicdao, nasa 11 reklamo ang natanggap nila laban sa ABS-CBN simula pa noong 2010 at walo na aniya ang naresolba rito.
Ani Nicdao, sa kabuuan, masasabi na patas ang ABS-CBN bagama’t hindi man sila umano perpekto.
Nagkakaroon man umano ng mga reklamo sa ABS-CBN, ginagawan naman umano ito ng aksyon ng network upang agad na maresolba.