Itinuturing ni Senate Minority Floorleader Franklin Drilon na Gross Violation sa charter ng United Nations ang bantang giyera ni Chinese President Xi Jinping kapag ipinilit ng pamahalaan ang arbitral ruling sa South China Sea.
Iginiit ni Drilon na dapat na agarang dalhin ng gobyerno sa United Nations ang naging pagbabanta ng China.
Mahalaga aniyang manindigan ang Pilipinas at huwag hayang i-bully at bantaan ng China.
Sinabi ni Drilon na sa ilalim ng Article 2 Section 4 ng U.N. Charter, nakasaad na lahat ng miyembro ay hindi dapat na nagbabanta o gumagamit ng puwersa laban sa territorial integrity ng alinmang bansa.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno