Muling kinundena ng United Nations-Commission on Human Rights Office ang mga pagbabanta at pag-atake ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang Special Rapporteur na si Agnes Callamard.
Magugunita noong Nobyembre 9 ay nagbanta si Pangulong Duterte na sasampalin niya si Callamard kung iimbestigahan nito ang war on drugs sa Pilipinas.
Ito ang unang beses na kinundena ng UN-C.H.R. Ang mga banta ni Pangulong Duterte kay Callamard kahit isang taon ng binabatikos ng U.N. official ang kampanya kontra droga sa bansa.