Pinapurihan ni Armed Forces of the Philippines Chief Noel Clement ang mga sundalo sa pagbabantay sa sambayanang Pilipino ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Clement, dahil sa mga sundalo at civilian personnel ay nagawang makapagdiwang ng pasko ng mga Pilipino ng maayos at matiwasay sa kanilang mga tahanan kasama ang kanilang pamilya.
Aniya, maging ang mga pinaka matapang na sundalo ay nagnanais na makasama ang kanilang pamilya sa ganitong okasyon ngunit inuuna nila ang kanilang sinumpaang tungkulin na siguruhin ang kapayapaan at seguridad ng komunidad.