Puspusan na ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa mga border ng bansa tungkol sa pagkalat ng monkeypox virus sa ilang western countries.
Bagama’t hindi pa nade-detect ang nasabing virus sa bansa, naghigpit na ang otoridad sa border screening at surveillance.
Pero batay sa inilabas na pahayag ng Department of Health, makakatulong na panlaban sa monkeypox ang kasalukuyang ipinatutupad na COVID-19 measures.
Kabilang na rito ang maayos na pagsusuot ng face mask, magandang bentilasyon, pagpapanatiling malinis ang kamay at pagsunod sa physical distancing.