Sinimulan na ng PNP-SAF o Special Action Force ang pagbabantay sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.
Tinututukan ng SAF troopers ang Maximum Security Compound kung saan nakakulong ang Bilibid 19 o high profile inmates na kinabibilangan ni Herbert Colangco, isa sa mga umano’y drug lords na pinangalanan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang mga prison guard ay tinanggal at sinasabing ililipat sa iba’t ibang detention facilities sa bansa.
High-profile inmates
Inilipat pansamantala ng SAF o Special Action Force ang 53 high profile inmates sa ibang bahagi ng New Bilibid Prisons (NBP).
Sa gitna na rin ito nang patuloy na pagkakasa ng Oplan Galugad.
Partikular na tinarget ng operasyon ngayong araw ang Building 14 ng maximum compound kung saan nakapiit ang mga kilalang convicted criminals.
Kaugnay nito, dadagdagan pa ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang bilang ng SAF o Special Action Force na ipinadala bilang mga bantay sa National Bilibid Prisons (NBP).
Napag-alamang 100 miyembro ang paunang ipinadala ng pamunuan ng PNP sa NBP upang tumulong sa pangangalaga ng seguridad doon.
Alinsunod ito sa kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na mag-deploy ng SAF ang PNP sa Bilibid upang maputol na ang mga illegal na aktibidad sa loob ng preso.
Matatandaan na malaking porsyento di umano ng mga drug dealers ay nag-ooperate mula mismo sa loob ng NBP.
Una nang sinabi ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na handa syang magpadala ng isang batalyong SAF sa NBP.
By Len Aguirre | Judith Larino