Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na malaking hamon ang pagbabantay sa karagatan ng bansa kontra illegal drugs operation.
Ito’y sa gitna ng mga narerekober na bloke-blokeng cocaine sa eastern seaboard ng bansa na aabot na sa halos dalawandaang (200) kilo o katumbas ng tinatayang siyamnaraang (900) milyong piso.
Sa kanyang talumpati sa mga barangay leader sa Pasay City, inihayag ni Pangulong Duterte na ang pagkaka-rekober sa mga cocaine blocks ay indikasyon ng pagpasok sa bansa ng Medellin drug cartel mula Colombia.
“We are facing a serious problem. Pumasok na ang cartel Medellin [ng] Colombia kaya nga maraming nakikitang cocaine.” Ani Duterte
Dahil aniya rito ay nasa panganib ang bansa bukod pa sa pahirapan ang pagpa-patrol sa karagatan lalo’t ang Pilipinas ang isa sa mga bansang may pinakamahabang shoreline.
“We are in danger dahil on the right side, ang Mexico, ang Medellin, Colombia, pumapasok. Dito kung makikita mo lumulutang shabu, cocaine. At mahirap ang Pilipinas dahil pinakamahabang shoreline.” Kulang tayo. So I cannot afford na may isang patrol dito, island per island, ganun kahirap.” Pahayg ng Pangulong Duterte
—-