Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP o Philippine National Police gayundin sa mga lokal na pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad ng batas.
Kaugnay ito sa inilabas na Executive Order Number 28 ni Pangulong Duterte hinggil sa tamang paggamit ng mga paputok bilang pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw naman ang isinasaad ng EO 28 ng Pangulo na bagama’t hindi total ban ay nililimitahan naman nito ang paggamit sa mga paputok.
Paalala pa ni Roque, hindi lamang ang pulisya ang naatasang tumutok sa pagbabantay sa mga taong gumagamit ng paputok kundi pananagutan din iyon ng lokal na pamahalaan.