Iniutos ng pamunuan ng Finance Department sa Bureau of Customs (BOC) ang pinaigting na pagbabantay sa pagpasok ng mga imported na mga bigas sa ating bansa.
Sa isang pahayag, sinabi Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang naturang hakbang ay para matiyak na tama ang makokolektang buwis ng pamahalaan.
Dadag pa ni Dominguez na sang-ayon ito sa inilabas na executive order number 135 ng punong ehekutibo noong noong nakaraang buwan hinggil sa pansamantalang pagbabago sa taripa sa mga imported na bigas na layong ibsan ang pagtaas ng presyo ng mga bigas mula sa ibang bansa.
Mababatid na kasi na bukod sa Thailand, Vietnam at Myanmar, pwede na ring mag-angkat Pilipinas sa iba pang mga bansa na nag-aalok ng mas murang halaga.