Inilipat na sa Philippine Coast Guard o PCG ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Ito ang inanunsyo ni National Security Adviser Hermogenes Esperon matapos na tanggapin ang dalawang multi – role vessel at tatlo sa sampung bagong speed boat na pangakong donasyon ng Japan.
Ngunit, binigyang – diin ni Esperon, maari pa ring magtungo sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea ang mga barko ng Philippine Navy at Philippine Air Force kung saan sila magsasagawa ng military operation.
Ayon naman kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, agad nilang ide – deploy ang mga bago nilang sea asset pagkatapos ng commissioning ng mga ito.
Samantala, pinangunahan ng PCG ang joint maritime exercise sa Manila Bay kasama ang coast guard ng Japan, US, Malaysia, Indonesia at Vietnam para sa 15th Maritime Law Enforcement Exercise.