Tuloy ang pagbabantay ng mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Tiniyak ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos itangging mayroon silang hindi pagkakaunawaan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu nang tila pag-okupa ng China sa karagatang bahagi ng Pilipinas.
Ayon kay Lorenzana malinaw ang naging kautusan ng Pangulo dahil maaari naman aniyang idepensa ang pag-aari ng Pilipinas ng hindi sumusuong sa anumang giyera at dapat panatilihin ang kapayapaan sa WPS.
Binigyang diin pa ni Lorenzana na uubra namang mapanatili ng Pilipinas ang kooperasyon sa China sa iba’t-ibang aspeto na magiging kapaki-pakinabang sa lahat subalit hindi dapat makumpromiso ang soberanya at karapatan ng Pilipinas.
Sinabi ni Lorenzana na hindi naman hadlang ang mas advance na military capability ng China para ipagtanggol ng AFP ang national interest ng Pilipinas at dignidad ng mga Pilipino.