Nauwi sa tensyon ang pagsasagawa ng “human barricade” ng ilang residente sa Sibuyan Island, Romblon habang iprinoprotesta ang umano’y iligal na aktibidad ng Altai Philippines Mining Company sa kanilang lugar.
Nagkagirian ang mga pulis at environmental defenders, kabilang ang ilang residente matapos umanong tangkaing lumabas sa sinasabing barikada ang isang truck na kargado ng nickel ores.
Aminado si Elizabeth Ibañez, Coordinator ng Sibuyanons Against mining, na ikinagulat nila ang pagtulong ng mga pulis upang makalabas ang truck na magbi-biyahe ng mga nickel.
Ayon kay Ibañez, walang permit ang Altai Mining upang makapag-operate sa Sibuyan.
Enero a – 28 nang mag-barikada ang mga residenteng kontra mining sa tapat ng itinatayong pier ng Altai sa Sitio Bato España, San Fernando, Romblon.
Kabilang sa kailangang ipresenta ng kumpanya ang barangay clearance, municipal business permit, DENR Foreshore Lease Contract at PPA permit para makapagtayo ng Private Port.