Tuloy pa rin ang ‘meter reading’ ng MERALCO kahit may mga granular lockdown sa ilang lugar sa bansa.
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng MERALCO, kung ano ang lumabas sa aktwal na reading na nakonsumo ay iyon lamang ang babayaran ng mga konsumer.
Dagdag ni Zaldarriaga, nasa 85% hanggang 90% na ang nakakapagbayad pa lamang.
Bagama’t umaarangkada na ang disconnection notice, mas maraming nakapagbayad at pumasok sa installment scheme.
Magugunitang, noong nakaraang taon ay dalawang buwang hindi nakapagbasa ng Metro ang MERALCO kung saan nagkaroon ng estimated billing na nakatanggap ng maraming reklamo.— sa panulat ni Rashid Locsin