Nanawagan ang isang rice watch group kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-hinto na ang implementasyon ng Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang-diin ni Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, na dapat pagtuunang pansin ng pamahalaan ang pagpapalakas ng lokal na produksyon at bigyan ng subsidy ang mga magsasaka.
Mainam aniyang ibalik na ang trading function ng National Food Authority o NFA upang mapababa ang presyo ng bigas.
Inihayag pa ni Estavillo na tanging ang mga negosyante at importers lamang ang nakikinabang sa pagpapalawig ng mababang taripa sa mga agricultural products. - sa panulat ni Maianne Palma