Plano ng pamahalaan na ipagbawal ang pangangaroling sa mga kalsada ngayong kapaskuhan sa gitna pandemiya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque kabilang ang naturang panukala sa mga tatalakayin ng Inter-Agency Task Force (IATF) on emerging infectious diseases.
Sinabi ni Roque, nakatitiyak siyang isa sa agenda ng IATF sa kanilang susunod na pulong ang usapin sa pagpapa-ban ng mga carolling sa mga kalsada.
Una nang iminungkahi ito ni Cagayan Governor Manuel Mamba upang mapigilan ang lalo pang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Aniya, maaaring magpalabas ng kaniya-kaniyang ordinansa ang mga lokal na pamahalaan hinggil sa pag-ban sa pangangaroling pero mas magiging epektibo aniya ito kung ipag-uutos mismo ng IATF.