Iginiit ni Tutok to Win Partylist Representative Sam Versoza ang permanent policy sa pagbabawal ng assignment o homework kapag weekends.
Sinabi ni Congressman Versoza na pabigat lamang sa mga estudyante at maging sa kanilang magulang ang mga homework sa mga araw na walang pasok.
Tinukoy ni Congressman Versoza ang 2022 report ng Philippine Institute for Development Studies na nagsasabing pareho lamang ang school hours ng Pinoy students sa ibang bansa subalit mas kakaunti lamang ang natututunan ng mga ito.
Ayon kay Congressman Versoza, hindi mahigpit na naipapatupad ang direktiba ng Department of Education sa mga guro na huwag magbigay ng assignment sa weekends para maka-bonding ng mga estudyante ang kanilang pamilya tuwing sabado at linggo.