Nanawagan si Chief Presidential Legal Counsel Attorney Salvador Panelo na dapat itigil na ang hazing o mga nangyayaring karahasan sa pagsali sa fraternity.
Kwento ni Panelo sa kaniyang ginawang pagbisita sa burol ng freshman law student na si Horacio Castillo III, na naging biktima din ng hazing ang anak nito na si Atty. Salvador Paolo Jr. noong taong 2009.
Binigyang diin ni Panelo na un-civilized at dapat nang matigil ang nakagawiang initiation rites sa mga fraternity.
Samantala, bumisita din sa burol si House Committee on Justice Chair Congressman Reynaldo Umali
Giit ni Umali, may pananagutan ang UST o University of Santo Tomas bilang institusyon sa nasabing krimen.
Posibleng talakayin aniya ng Kongreso sa susunod na linggo ang panukalang pag over- haul sa Anti – Hazing Law.