Ipauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government officials ang desisyon hinggil sa pagbabawal ng paputok sa kani-kanilang lugar.
Ayon sa Pangulo hindi naman maaaring akusahan ang isang tao na guilty sa krimen kung ito lamang ay magpapaputok sa bagong taon.
Ngunit kung siya umano ang masusunod, nais niyang mawala na ang putukan para wala na aniyang madisgrasya lalo na ang mga bata.
Matatandaang 2017 nang maglabas ng Executive Order ang pangulo kung saan nililimitahan ang paggamit ng mga paputok.