Nanawagan si Senator JV Ejercito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na muling ipagbawal ang wangwang, escorts, convoys at blinkers sa bansa.
Ayon kay Ejercito, marami pa rin ang tila entitled na mga taong nakakalusot sa batas at hindi sumusunod sa daloy ng trapiko.
Bukod pa dito, sinabi ni Ejercito na maaari rin itong magamit at abusuhin ng mga kriminal para hindi sila maharang ng mga otoridad sa kalsada.
Iginiit ni Ejercito na dapat ay ang Pangulo ng bansa, Bise Presidente, Senate President, House Speaker at Chief Justice ng Korte Suprema lamang ang entitled sa ganitong security.
Tiwala naman ang Senador, na kung si PBBM ang magpapaalala nito sa publiko, tiyak na muli itong magiging polisiya at agad na susundin ng mga tao.