Isinusulong ng isang kongresista na tuluyan nang ipagbawal ang bentahan, distribusyon, at paggamit ng mga firecracker at pyrotechnic devices.
Nakapaloob ito sa House Bill 5914 o “Firecrackers Prohibition Act” na inihain ni House Commitee on Local Government Chairman at Valenzuela City Representative Rex Gatchalian.
Layunin ng panukala na mabawasan o mapigilan ang mga nasasaktan, nasusugatan o nagtatamo ng pinsala dahil sa mga paputok.
Sakaling maisabatas, papatawan ng multang P1000 at pagkakakulong nangĀ higit sa isang buwan ang mga lalabag sa unang pagkakataon.
P3000 naman o makukulong ng higit tatlong buwan ang ipapataw sa pangalawang pagkakataon, habang P5000 at hanggang 6 na buwang pagkakakulong sa ika-3 paglabag.