Inihayag ng pamunuan ng Comission on Elections (COMELEC) na kanila nang pinag-aaralan na ipagbawal ang pagsasagawa ng face-to-face o nakasanayang pangangampanya para sa paparating na eleksyon.
Ayon sa tagapagsalita ng COMELEC na si James Jimenez, ang naturang hakbang ay paraan ng ahensya para matiyak ang kaligtasan ngayong may pandemya.
Dagdag pa ni Jimenez, ang malinaw sa ngayon ay tiyak na magkakaroon ng pagbabago sa paraan ng pangangampanya sa bansa.
Paliwanag ni Jimenez, nakikita nilang opsyon ang pagsasagawa ng pangangampanya sa pamamagitan ng online.
Sa ngayon, ani Jimenez, nakikipag-ugnayan na sila sa Inter-Agency Task Force para plantsahin ang naturang usapin.