Paglabag umano sa Freedom of Information Executive Order na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa mga taga-media na sumilip sa police spot reports at ihayag ang mga nilalaman nito.
Ayon kay Buhay Party-List Rep. Lito Atienza, tila may itinatago ang Philippine National Police dahil sa pagbabawal sa mga mamamahayag na masilip ang mga spot report ng mga krimen.
Lumalabas din anya na nakalimutan ni PNP Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang direktiba mismo ng kanyang commander-in-chief na si Pangulong Duterte.
Magugunitang ini-ulat ng ilang mamamahayag sa Cebu na pinagbawalan na silang ma-access ang mga police spot report.
Iginiit ni Atienza na habang dumarami ang itinatagong impormasyon ng P.N.P. ay mas dapat magpursige ang media na hagilapin ito dahil responsibilidad ng mga mamamahayag na alamin ang katotohanan.
Ulat ni Jill Resontoc
SMW: RPE