Iminungkahi ng Food and Drug Administration (FDA) ng United States (US) nitong Huwebes na ipagbawal ang produksyon,pagbebenta at paggamit ng menthol at flavored na sigarilyo sa Amerika.
Ito ay upang isulong ang panawagang pagtigil sa paninigarilyo ng mga smokers partikular na ang mga bata.
Ayon kay Campaign for Tobacco-Free Kids President Matthew Myers, ito na marahil ang pinakamalakas na aksyon ng US upang mapababa ang bilang ng mga batang naninigarilyo.
Batay naman sa pahayag ng tagapagsalita ng Marlboro-maker Altria ang pagturing sa paninigarilyo ng menthol cigarettes bilang isang criminal act ay posibleng humantong sa seryosong hindi inaasahang kaganapan.
Matatandaang, nauna nang ipinagbawal sa U.S., California at Massachusetts ang menthol cigarettes na siyang nagpababa ng bilang ng naninigarilyo sa mga nasabing bansa.