Nilinaw ng Department of Trade and Industry na wala pang rekomendasyon na ipagbawal ang mga bata na pumasok ng mall.
Inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi pa kailangan ang mobility restrictions dahil hindi pa ito maikokonekta sa dalawang taong gulang na lalaking nagpositibo sa COVID-19 matapos pumunta sa mall.
Naniniwala si Lopez na isolated incident lamang ang nangyari at maraming maaaring naging dahilan ng pagkahawa ng bata.
Binigyang-diin ng kalihim na mga magulang at bata ang bumubuo sa 40 percent ng consumer market, lalo sa mga mall, at source ng lakas ng paglago ng ekonomiya kahit pa noong bago magkaroon ng pandemya.
Gayunman, muling pina-alalahanan ng kalihim ang publiko na maging maingat kung lalabas o mamamasyal sa mga mall na may kasamang mga bata.—sa panulat ni Drew Nacino