Hindi pipigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga may-ari ng mga restaurant at resort na pagbawalang pumasok sa kanilang mga establisyimento ang mga hindi bakunado kontra Covid-19.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat maintindihan ng publiko na may peligrong hatid ang pagpasok sa mga restaurant o resort ng mga hindi bakunado.
Pinayuhan naman ng pangulo ang mga unvaccinated na kumain na lamang sa ibang lugar o sa mga open space, tulad sa Roxas Boulevard. —sa panulat ni Drew Nacino