Posibleng ipagbawal na ng Department of Education o DepEd ang mga kandidato sa 2019 midterm elections na maging guest speaker sa mga graduation ceremony.
Ito ang inihayag ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan matapos manawagan si Commission on Elections o Comelec Spokesman James Jimenez sa mga paaralan na iwasang mag-imbita ng mga kandidato sa mga graduation rites.
Ayon kay Malaluan, bagaman walang direktang panuntunan ang DepEd sa usapin, pag-aaralan na nila ang panukala ni Jimenez sa kanilang gagawing executive meeting.
Binigyang diin ng DepEd official na mahigpit ang kanilang pagbabantay upang maiwasang maging isang political forum o activity ang graduation rites kung saan imbitado ang mga kandidato.
“Sa aming guidelines ngayon ay hindi naman ipinagbabawal ang pag-imbita ng kandidato kung hindi ay ‘yung ma-transform ang isang graduation rite into a partisan political activity, maaari namang magkaroon ng speaker na kandidato na hindi ‘yung mga guro at mga principal mismo ay nagso-solicit ng votes for such a candidate, I think kailangang pag-isipang mabuti ito, we will have to consult it to the level of the secretary or the executive committee.” Pahayag ni Malaluan
(Ratsada Balita Interview)