Nakatakdang i-apela ng Russia sa Federal Court sa Switzerland ang pagbabawal ng CAS o Court of Arbitration sa kanilang 68 track and field players na maglaro sa Rio Olympics dahil sa paggamit umano ng droga.
Iginiit ni Russian Sports Minister Vitaly Mutko na paglabag sa karapatan ng isang atleta ang nasabing desisyon ng CAS.
Bukod dito, binigyang diin ni Mutko na hindi maganda ang reputasyon ng International Association of Athletics Federation na nag-rekomenda sa CAS ng kanilang suspension.
By Judith Larino
Photo Credit: Reuters