Inihirit sa COMELEC ng Senatorial Candidate na si Atty. Larry Gadon ang pagbabawal sa mga polling firms na isapubliko ang resulta ng mga voter preference survey.
Ayon kay Gadon, maghahain siya ng petition for prohibition sa Commission on Elections upang hilingin ang pagpapatigil sa mga voter preference survey.
Isang uri anya ito ng mind conditioning na hindi naman sumasalamin sa tunay na opinyon ng nakararaming mamamayan lalo ng mga botante.
Iginiit ng abogado na hindi naman accurate ang survey na maaari ring gamiting alibi upang masabing nadaya ang isang kandidato.
Kabilang si Gadon sa mga nangungulelat sa survey ng mga senatorial candidate para sa May 13 midterm elections.