Nanganganib nang tuluyang ipagbawal sa mga paliparan ng Maynila ang mga pangkaraniwan o puting taxi.
Ito’y sa harap na rin ng mga reklamo ng ilang pasahero ng airport hinggil sa talamak pa ring pangongontrata ng ilang taxi drivers na mahigpit na ipinagbabawal ng mga awtoridad.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, nagbigay na siya ng ultimatum sa mga taxi drivers na nasa paliparan kapag nakarinig pa siya ng mga reklamo hinggil dito.
Giit ni Monreal, nakahihiya hindi lamang sa kanilang panig kung hindi maging sa imahe ng Pilipinas ang ginagawa ng ilang pasaway na taxi drivers na mas iniintindi pa ang sarili kaysa sa interes ng kanilang mga kabaro na ang tanging hangad lamang ay kumita ng marangal.