Umalma ang grupo ng mga taxi operator sa pagbabawal na kumuha ng pasahero ang mga regular na taxi sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1.
Ito’y matapos ipag-utos ng Manila International Airport Authority o MIAA ang ban matapos dumami ang reklamo laban sa mga regular white taxi sa NAIA sa umano’y pangingikil sa mga pasahero.
Ayon kay Bong Suntay, pinuno ng Philippine National Taxi Operators Association, kahit sa ibang bansa ay pinapayagan na kumuha ng pasahero ang mga regular na taxi sa mga paliparan nila.
Kaya’t wala aniyang saysay kung ipagbabawal dito sa Pilipinas ang mga regular na taxi maliban na lamang umano kung mayroong gustong protektahan na isang sektor ng transportasyon.
Ngayong wala sa terminal 1 ang mga puting taxi, maaari munang magbook ng Grab o coupon taxi na may fixed rate ang mga pasahero depende sa pupuntahang lugar.