Kinastigo ng ilang grupo ang pagbabawal sa hindi awtorisadong humanitarian operations habang nasa ilalim ng enchanced community quarantine ang Metro Manila at ilang lugar.
Ito’y makaraang maglabas ang inter-agency task force ng bagong guidelines ng ECQ kung saan dapat awtorisado ang mga magkakawang-gawa ngayong naka-lockdown muli ang NCR.
Gayunman, iginiit ni Council for People’s Development and Governance spokesperson Liza Maza na hindi makatao ang ipinatupad na ban lalo’t kung hindi sapat ang tulong ng gobyerno.
Una nang naglabas ang Department of Budget ng halos 10.9 billion pesos na pondo bilang ayuda sa mga apektado ng dalawang linggong ECQ
Katumbas ito ng 1,000 pesos kada tao o hanggang 4,000 pesos sa kada mahirap na pamilya sa Metro Manila.—sa panulat ni Drew Nacino