Pinaiimbestigahan sa Kongreso ni Cavite 4th District Representative Elpidio Barzaga Jr., ang pagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagbebenta ng pampano at salmon sa mga palengke.
Kasunod ito ng resolusyong inihain ni Barzaga, dapat maipaliwanag ng BFAR ang kanilang legal na basehan kung bakit hindi maaaring ibenta sa wet market ang mga nabanggit na uri ng isda.
Bukod pa dito, kailangan ding imbestigahan kung nakapaloob ang naturang hakbang sa laws and regulations katulad ng philippine Fisheries Code of 1988 at Fisheries Administrative Order 195.
Ayon sa mambabatas, kailangang mailatag ng BFAR kung ang pagbebenta ng imported fish sa merkado ay may paglabag sa konstitusyon, may diskriminasyon sa mga lokal na mangingisda at kung hindi napo-protektahan ang publiko.
Sinabi ni Barzaga na malaking tulong din ang imbestigasyon para malaman kung sakop ba ng kautusan ang local fish vendors at insitutional buyers.
Matatandaang una nang ipinag-utos ng ombudsman na imbestigahan ang crackdown sa mga nabanggit na imported fish sa mga pamilihan.