Posibleng lumala ang sakit ng isang tao kung bibili ng gamot mula sa mga sari-sari store.
Ito ang muling ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko matapos ang kanyang Talk to the People kahapon.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi dapat magtiwala ang mga consumer sa mga ibinebentang gamot sa mga sari-sari store dahil hindi nakatitiyak sa kaligtasan ng mga nasabing produkto.
Dapat anyang paa-alalahan ng mga local government official, lalo ang mga barangay chairmen ang kanilang constituents na iwasan ang pagbili ng mga gamot sa sari-sari store.