Ipagbabawal ang pagkain sa mga sinehan, pagsagot sa tawag sa telepono at paggamit ng banyo o Comfort Room (CR) oras na pahintulutan ang muling panonood sa mga sinehan ayon kay Dr. Eric Tayag, Director ng DOH Knowledge Management Information Technology.
Ito ang inihayag ni Tayag oras na buksan ng pamahalaan ang mga sinehan sa bansa sa unang araw ng Marso.
Dagdag ni Tayag, hindi pupunuin ang mga sinehan at mahigpit na ipatutupad ang pagsusuot ng face mask.
Matatandaang mariing tinututulan ng ilang mga eksperto at Mayors ang muling pagbubukas ng sinehan sa bansa.—sa panulat ni Agustina Nolasco